Napahanga ni Wynwyn Marquez ang mga manonood matapos itong magpasiklab sa isang guest appearance ng ilang official candidates ng 2017 Reina Hispanicoamericana sa El Mañanero, isang morning TV show sa Bolivia.
Dito ipinakita ni Wynwyn ang galing nito sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang Filipino Muslim dance na nilagyan niya ng twist, na siyang ikinagulat ng mga manonood.
Sinimulan niya ang kanyang maikling performance sa pagsasayaw ng Muslim dance at sinundan ito ng Latin dance, kung saan ay nagpalit pa ito ng costume.
Matapos ang kanyang pagpapakitang-gilas ay makikitang natulala ang isa sa mga host ng naturang TV show.
Maliban sa mga hosts, napahanga din ni Wynwyn ang mga kapwa kandidata sa naturang beauty pageant.
Si Wynwyn ang opisyal na kinatawan ng Pilipinas para sa nasabing international beauty pageant.
Ang coronation night nito ay nakatakdang maganap sa Nobyembre 4.