Pormal nang naghain ng reklamo ang internet sensation na si Xander Ford laban sa dalawang nag-upload umano ng mapanirang video niya.
Ito’y makaraang mag-viral sa social media ang video umano ni Ford na naglalaman ng pang-iinsulto sa teen star na si Kathryn Bernardo.
Personal na nagtungo sa PNP Anti-Cybercrime Group sa Kampo Crame si Xander para ireklamo sina Dave Alvarez at Angelo Rozol na siyang kumuha umano ng video nuong siya’y si Marlou Arizala pa.
Pag-amin ni Xander, nakaranas siya ng matinding depresyon matapos mawalan ng mga endorsement at shows dahil sa kumalat na video bagay na mariin naman niyang itinatanggi.