Ikinabahala ng isang health expert ang pagtaas ng kaso ng Omicron sublineage na XBB.1.5, na bagong variant na kumakalat ngayon.
Ayon kay Dr. Ashish Jha, Coordinator ng White House COVID-19 response, sa buwan lang ng Disyembre ay tumaas na sa apat hanggang 41% ang mga bagong impeksyon ng COVID-19 sa United States na dulot ng XBB.1.5.
Ganito rin ang sinabi ni Maria Van Kerkhove, isang Epidemiologist na Technical Lead sa COVID-19 ng World Health Organization (WHO), kung saan itinuring nito ang bagong variant na pinaka-tranmissible na sakit sa buong mundo.
Sa ngayon, sinabi ni Jha na gumagawa na ng hakbang ang WHO para sa sublineage na ito at umaasang maipalalabas sa susunod na mga araw.