Posibleng nuong Agosto o Setyembre pa nasa Pilipinas ang XBB Omicron subvariant at XBC variant ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma na unang natuklasan ang XBB subvariant nuong September 20 habang ang XBC variant ay nakita nuong August 24.
Sa kabila nito, inabot muna ng halos isang buwan sa XBB, at dalawang buwan sa XBC variant bago ito makumpirma sa publiko.
Magugunitang, nuong October 14, ipinabatid ng Department of Health na hindi pa nila nakikita ang naturang variant ng COVID-19 sa bansa.