Pinapurihan ni Chinese President Xi Jinping si North Korean Leader Kim Jong Un sa makasaysayang pakikipagpulong nito kay US President Donald Trump noong Hunyo 12.
kasabay ng ikatlong beses na pagbisita ni Kim sa China ngayong taon, nagpahayag ng kasiyahan si Xi sa mga naging positibong resulta ng North Korean – US Summit kabilang ang napagkasunduang denuclearization at pagbuo ng pangmatagalang mekanismo para sa kapayaan.
Nangako rin si Xi na patuloy na susuportahan at makikiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Korean Peninsula.
Dagdag pa ni Xi, hindi anito magbabago ang pagkakaibigan ng mga Chinese at North Korean.
Si Kim ay kasalukuyang nasa China para sa tatlong araw na pagbisita kung saan kabilang sa kaniyang tatalakayin ang katatapos lamang na pakikipagpulong kay Trump sa Singapore.