Mananagot ang pamunuan ng Xiamen Airlines sa dami ng kanselado at delayed na flights dahil sa pagsadsad ng kanilang eroplano sa main runway ng Ninoy Aquino International Airport.
TINGNAN:
Xiamen Air flight na sumadsad sa NAIA runway kaninang hatinggabi. Ligtas naman ang 157 na mga pasahero at flight crews ng eroplano. | via @raoulesperas https://t.co/TtUTtJfdRe pic.twitter.com/RafHbdlc2O
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 16, 2018
Ayon kay Eric Apolonio, Spokesman ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, malaki ang nalulugi sa isang airline kapag nagkansela o nag-divert ng flight.
TINGNAN:
Cancelled at diverted flights (as of 10:28am) matapos na sumadsad ang eroplano ng Xiamen Airlines sa NAIA. | via @raoulesperas pic.twitter.com/UAwqXo7vOy— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 17, 2018
Umabot sa apatnapung (40) flights ng Philippine Airlines at Cebu Pacific ang nagkansela at nag-divert ng kanilang flights dahil sa pagsasara ng main runway ng NAIA.
Sinabi ni Apolonio na kinailangang magkansela at mag-divert ng flights dahil hindi kakayanin ng natitirang runway ang malalaking eroplano.
“We’re doing our best para ma-normalize lahat although siyempre may kakulangan tayo ng isang runway kaya definitely we expect some delays.” Ani Apolonio
Samantala, posibleng abutin pa ng hapon bago mabuksang muli ang main runway ng Ninoy Aquino International Airport.
Dahil sa biglang pag-ulan nang malakas, mas naging mahirap umano ang pagtanggal sa sumadsad na eroplano ng China sa main runway ng NAIA.
Maliban dito, mas mabibigyan pa umano ng pagkakataon ang mga airlines na mag-adjust ng kanilang flights.
Gayunman, sinabi ni Eric Apolonio, Spokesman ng Civil Aviation Authority na agad bubuksan ang main runway sa sandaling matanggal agad ang sumadsad na Xiamen Airlines.
(Ratsada Balita Interview)