Hindi pa rin makapaniwala ang aktor na si Xian Lim sa tinanggap nitong parangal mula sa 15th Gawad Tanglaw Awards kung saan ay tinanghal itong Best Supporting Actor para sa pelikulang “Everything About Her”.
Ayon kay Xian hindi pa rin nagsi-sink-in sa kanya ang mga pangyayari ngunit proud itong mapabilang sa mga dekalibreng aktor at aktres ng industriya.
Umaasa naman si Xian na marami pa siyang proyekto at makatrabaho upang dumami aniya ang kanyang matutunan.
Kabilang sa mga nais makatrabaho o makasamang muli ni Xian ay ang mga aktres na sina Anne Curtis, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.
By Ralph Obina
Photo Credit: Xian Lim Instagram