Itinalaga na ng simbahang katolika ang December 25 at 26 bilang National Days of Prayer para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette, partikular sa Visayas at Mindanao.
Hinimok ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang mga diocese na ilaan ang christmas weekend para sa pananalangin sa muling pagbangon ng mga biktima ng bagyo.
Hiniling din ni David sa mga simbahan na magkaroon ng second collection sa lahat ng misa sa mga nabanggit na araw.
Gagamitin anya ang “Alay Kapwa Solidarity Fund” para sa collective emergency response ng simbahang katolika.
Batay sa datos ng C.B.C.P., nasa sampung dioceses sa Visayas at Mindanao ang nasalanta ng bagyo.