Magtatanggal ng 1,700 empleyado ang Yahoo, isa sa mga search engines sa internet.
Tinatayang 4 na milyong dolyar kada taon ang inaasahang matitipid ng Yahoo sa pamamagitan ng pagtapyas ng 15 porsyento ng kanilang workforce at pagtanggal sa ilan sa kanilang serbisyo o produkto.
Kabilang sa mga napagpasyang isara na ay ang Yahoo Games, Yahoo TV at iba pang digital magazines na nilikha ni Marissa Mayor noong maupo siya bilang CEO o Chief Executive Officer ng Yahoo.
Nagpasya rin si Mayor na isara na ang kanilang mga tanggapan sa Dubai, United Arab Emirates, Mexico City, Buenos Aires Argentina, Madrid at Milan.
Nagpahayag ng pagasa si Mayer na mas magiging competitive ang Yahoo at makakahikayat ng mas maraming advertisers kung mas focused sa iilang produkto lamang ang Yahoo.
By Len Aguirre