Tumaas ng 17 Milyong Piso ang naitalang yaman ni Ombudsman Conchita Carpio – Morales mula sa kaniyang 7 taong panunungkulan.
Iyan ang lumabas sa inihaing Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Morales para sa taong 2017 kung saan, nakapagtala ng 17.7 Milyong Piso ang kaniyang yaman.
Tinatayang nasa mahigit 40 Milyong Piso ang idineklarang yaman ni Morales nang maupo siya sa puwesto nuong 2011 na umakyat sa 58.5 Milyong Piso nuong isang taon.
Kabilang sa mga idineklarang ari-arian ni morales ay ang tahanan nito sa Muntinlupa City; isang bahay sa Lemery, Batangas na binili nuong 2001; isang lote sa sementeryo na binili nuong 2003
Inilagay din ni Morales sa kaniyang mga assets ang mga binili niyang condominium units sa mga lungsod ng Maynila nuong 1999 , Taguig nuong 2008, Baguio nuong 2011 at Makati City nuong 2013.
Maliban dito, may naipundar ding kotse si Morales na nagkakahalaga ng 35 milyong Piso habang nasa 88,000 Piso naman ang hindi niya nabayarang utang sa isang mamahaling grocery.