Lumago ang yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang anim (6) na buwan nito bilang pinaka-mataas na government official, batay sa kanyang 2016 Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Sa pinaka-huling SALN ng Pangulo, umabot sa 27.4 million pesos ang idineklara nitong total assets kumpara sa 24 million pesos noong June 2016.
Mayroon namang 1 million peso total liabilities ang Punong Ehekutibo dahil sa personal loan mula sa isang Samuel Uy.
Kabilang si Uy sa 2016 Statement of Election Contributions and Expenditures ni Duterte bilang kanyang contributor na nag-donate ng 30 million pesos sa kanyang Presidential bid.
Aabot naman sa 18.4 million pesos as of December 31, 2016 ang cash-on-hand ng Pangulo kumpara sa cash-on-hand na 15.3 million pesos noong June 2016.
Ilang properties din sa Davao City ang idineklara ng Pangulo at mga sasakyang volkswagen sedan na nabili noong 1978 at Toyota Rav 4 noong 1996.
By Drew Nacino |With Report from Jill Resontoc