Lumago ang yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang taon.
Sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth noong December 31, umakyat sa 29.3 million pesos ang total assets ni Pangulong Duterte noong Disyembre ng isang taon kumpara sa 28.4 million pesos noong 2016.
Kabilang sa mga idineklara ng Pangulo ang mga house AND Lot sa Gallera de Oro, Bago Aplaya, Maa, Matina Crossing at Buhangin sa Davao City maging ang kanyang 1978 Volvo Sedan at isang 1996 Toyota RAV 4 bilang kanyang assets.
Aabot naman sa 19.3 million pesos ang cash at bank deposits ni Pangulong Duterte na lumago sa mga nakalipas na taon.
Limang properties naman ang nakapangalan sa kanyang anak na si Veronica o “Kitty” kabilang sa Matina Crossing, sa Barangay Malagos at Catigas sa Davao City.
Aabot naman sa 800,000 pesos ang liability ni Pangulong Duterte noong isang taon mula sa negosyante mula Davao na si Samuel Uy.