Tumaas pa ang yaman ni Vice President Jejomar Binay noong 2014 batay sa isinumite nitong Statement of Assets Liabilities and Networth o SAL-N sa tanggapan ng Ombudsman.
Ayon sa ulat, nasa P132,000 ang nadagdag sa yaman ng Pangalawang Pangulo.
Mula sa mahigit P58 milyong pisong yaman noong 2013, umakyat na ito sa mahigit P60 milyong piso noong nakaraang taon.
Idineklara rin ni Binay ang 11 nitong ari-arian sa Makati, Muntinlupa, Laguna, Bataan, Isabela at Batangas na kinabibilangan ng residential at agricultural lands.
By Ralph Obina