Bumaba ng dalawang (2) milyong piso ang yaman ni Vice President Leni Robredo.
Batay sa isinumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ni Robredo, mula sa mahigit labing isang (11) milyong pisong net worth nito noong Hunyo 30 ng nakaraang taon ay bumaba ito sa mahigit walong (8) milyong piso.
Samantala, nananatili naman sa dati ang real at iba pang personal properties at liabilities ni Robredo.
Ito ay kung saan kabilang sa real properties ng Pangalawang Pangulo ay ang dalawang residential lots, tatlong agricultural lots, one memorial lot at isang residential house sa naga city na nagkakahalaga ng 1.7 million pesos.
Robredo walang say sa pagkakabasura ng impeachment complaint vs Duterte
Tikom ang bibig ni Vice President Leni Robredo hinggil sa pagkakabasura ng impeachment complaint ni Magdalo Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, at ang plano nitong dalhin ang usapin sa ICC o International Criminal Court.
Sinabi ni Robredo na mayroong soberanya ang bansa at gumagana ang demokrasya, kaya naman hindi maaring pagbawalan si Alejano kung ito ang nais niyang gawin.
Sa kabila nito, aminado si Robredo na mas maganda sana kung mareresolba agad ang usapin dito palang sa bansa, para hindi na ito lumaki pa.
By Ralph Obina / Katrina Valle | With Report from Jonathan Andal