Bumida ang actress-model na si Yassi Pressman bilang 2023 calendar girl ng Ginebra San Miguel.
Sa instagram post ni Yassi, kaniyang ibinahagi ang mga photo at video shoot, suot ang kaniyang bikini outfit.
Dahil dito, umani ng ibat-ibang reaksiyon sa mga netizen at kapwa celebrity ang kaniyang pasabog na daring look.
Bukod pa dito, trending din ngayon sa bansa ang #yassipressman “Queen of the Barangay” for 2023.
Si Yassi ay isang Filipino-British na mayroong millions of followers sa kaniyang social media accounts.