Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang isang yate na may kargang P10-B halaga ng shabu sa Quezon.
Inamin sa DWIZ ni customs Commissioner Rey Leonardo Guerrerona sa panayam sa DWIZ na kasalukuyang gumagamit ang kanilang ahensiya ng mga sasakyang mayroong tracking system upang ma-monitor ang mga dumaraan na sasakyang pandagat.
Ayon pa kay Guerrero, nakikipag-ugnayan na rin ang customs sa National Bureau of Investigation o nbi upang pagmatiyagan ang mga kahinahinala o kwestiyonableng sea vessels na dumadaong sa naturang lugar.
Samantala hindi naman sinabi ni Guerrero ang kanilang naging operasyon para matagumpay na maharang ang tangkang pagpuslit ng naturang mga shabu.
– sa panulat ni Mara Valle