Isinusulong sa Kamara ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas, ang House Bill 6693 o ang “Paskong Maligaya para kay Lola at Lolo Bill.”
Batay sa naturang panukala, karapatan ng mga indigent o mahihirap na senior citizens na makatanggap ng additional year-end bonus bago sumapit ang araw ng Pasko.
Ayon kay Vargas, makatatanggap ng dagdag na P1,000 ngayong holiday season ang mga mahihirap na senior citizen na ibibigay bago mag-December 25 sa ilalim na rin ng Expanded Senior Citizens Act.
Ang naturang bonus ay bukod pa sa buwanang allowance ng mga lolo’t lola na P1,000 sa ilalim naman ng bagong pasang batas na expanded social pension for Indigent Senior Citizens Act.
Layunin ng panukala na matulungan ang maraming mahihirap na senior citizens na patuloy pa ring naghahanap-buhay para sa kanilang pamilya.
Aminado si Vargas na hirap sa pagbudget ang mga Pilipino dahil narin sa tumataas na presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.