Nananatiling manipis ang reserbang kuryente sa Luzon ngayong araw na ito.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa halos 11,000megawatts ang available capacity sa Luzon grid at nasa mahigit 10,000megawatts naman ang peak demand.
Dahil dito, muling itinaas ang yellow at red alert ngayong maghapon.
Epektibo ang yellow alert alas-8 hanggang alas-10 ng umaga, alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi at alas-7 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.
Nakataas naman ang red alert status alas-10 ng umaga hangang alas-4 ng hapon at alas-6 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi.
Posibleng pagkaranas ng brownout sa Luzon grid, inabiso ng NGCP
Nag-abiso na ang National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) ng posibilidad ng brownout dahil sa maghapong pag-iral ng red at yellow alert sa Luzon grid.
Sinabi ng NGCP na maaaring makaranas ng brownout sa Nueva Ecija, Albay at mga lugar na sine-serbisyuhan ng Meralco.
Maaari aniyang magpatupad ng manual load dropping dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon grid.
Inihayag pa ng NGCP na maaari namang makansela ang power interruption kapag naging maayos ang suplay ng kuryente.
Hinimok pa ng NGCP ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente para makabawas ng konsumo.