Binatikos ng ilang mga mananakay ang mahigpit na pagpapatupad ng yellow lane policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay matapos na magdulot ng sobrang bigat na trapiko ang ginawang pagkukulong ng MMDA sa mga city buses sa yellow lane.
Maraming mga mananakay ang naapektuhan kung saan ilan ang nahuli o hindi na nakapasok sa kanilang mga trabaho habang meron ding naglakad na lamang.
Iginiit pa ng mga commuter, tanging mga pribadong mga sasakyan lamang ang nakinabang sa nabanggit na polisiya.
Gayunman, ilang mga pribadong saksakyan din ang naperwisyo dahil sa nakaharang na pila ng mga bus sa yellow lane sa mga panukulan na papalabas ng EDSA.
Umaray din sa yellow lane policy ang ilang mga city bus drivers dahil sa maliit na kinita.