Nakataas na ang yellow rainfall warning ng PAGASA sa mga lugar sa Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan at Bulacan dahil sa Typhoon Ulysses.
Sa 5PM advisory ng PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha ang mga flood-prone areas sa ilalim ng yellow rainfall warning.
Heavy Rainfall Warning No. 9 #NCR_PRSD
Weather System: Typhoon ULYSSES
Issued at: 5:00 PM,12 November 2020 pic.twitter.com/oHKf1pExrl— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) November 12, 2020
Dagdag pa ng PAGASA, posible ring makaranas ng mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan sa Metro Manila, Rizal, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon, na maaaring tumagal ng hanggang tatlong oras.
Pinapayuhan naman ang publiko at mga disaster risk reduction and management offices na patuloy na imonitor ang lagay ng panahon.