Naniniwala si Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na hindi labag sa batas ang ‘yellow-tagging’ sa mga bahay ng mga COVID-19 positive sa Pateros.
Ito’y sa kabila ng pangambang malalabag ng nasabing ordinansa ang Section 9 ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Ayon kay Diño, boluntaryo lamang ang paglalagay ng dilaw na laso.
Una nang ipinag-utos ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce ang paglalagay ng mga dilaw na laso sa mga bahay ng mga covid patient upang matiyak na namo-monitor sila nang maayos.
Nilinaw din ni Ponce na maglalagay lamang ng yellow ribbon kung papayag ang pasyente. —sa panulat ni Drew Nacino