Itinaas ng PAGASA ang Yellow Warning Level sa Metro Manila dahil sa nararanasang mabigat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon na dala ng habagat.
Heavy Rainfall Warning No. 1 #NCR_PRSD
Weather System: Southwest Monsoon
Issued at: 8:26 AM,02 August 2019 pic.twitter.com/VVJDggmsCM
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) August 2, 2019
Kabilang rin sa mga lugar kung saan itinaas ang yellow warning level ang Zambales, Bataan at Rizal.
Dakong 8:26 kaninang umaga nang ilabas ng PAGASA ang naturang abiso at nagbabala ng posibleng pagbaha lalo na sa mga flood-prone areas.
TINGNAN: Malakas at pabugso-bugsong pag-ulan maging madilim na kalangitan ang nararanasan ngayon sa bahagi ng Shaw Boulevard sa Pasig City | #DWIZ882 pic.twitter.com/BmqXR2b1pV
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 1, 2019
Samantala, sa ilalim ng alert system ng PAGASA, ang ‘yellow’ warning ay nangangahulugan ng ‘caution’ kung saan ang mga residente ay pinapayuhang magmonitor sa balita para sa iba pang mga updates o pagbabago sa panahon.