Patay sa U.S. Airstrike ang Yemen Al-Qaeda leader na si Qasim Al-Raymi.
Ito ang kinumpirma ng White House bagama’t hindi tinukoy kung kailan eksaktong araw napaslang ang terorista.
Enero pa nang mapabalitang nasawi si Qasim ngunit ngayon lamang ito kinumpirma ng Estados Unidos.
Si Gasim ay namuno sa grupong Jihadist simula pa 2015.
Inuugnay ang Jihadist leader sa sunod-sunod na pag-atake sa mga nasa Silangang bahagi noong 2000.
Si Gasim umano ang namuno sa grupo matapos mapatay ang iba pang pinuno sa U.S. drone strike.