Nangako ang gobyerno ng Pilipinas ng S100K o katumbas ng P5.22M na donasyon sa Yemen Humanitarian Fund (YHF).
Ang YHF ay isa sa pinakamalaking mapagkukunan ng pagpopondo ng mga non-government organization sa Yemen.
Nabatid na mayroong S26.7M na dirtektang nakalaan para sa taong 2021 at kabuuang S221M simula noong 2015.
Samantala, ang krisis sa Yemen ay nagmula sa pag-aalsa ng 2011 at 2012 Arab spring, nang mapabagsal ang Pangulo na namuno sa Yemen sa loob ng 33 taon na si Ali Abdullah Saleh. – sa panulat ni Mara Valle