Itinanggi ni pop rock royalty Yeng Constantino ang lumulutang na katanungan mula sa kanyang mga tagahanga na wala pa silang planong magka-baby ng kanyang musikero ding asawa na si Yan Asuncion.
Sa katunayan ani Yeng ay nalungkot ito noong nakaraang taon dahil ilang taon na mula nang sila ay ikinasal ay hindi pa rin sila pinapalad na magka-baby.
Sa ngayon aniya ay hihintayin na lamang nila ang kalooban ni Lord para sa kanila at masaya sila sa kanilang mga natatanggap na blessings.
Magugunitang taong 2015 pa nang mag-isang dibdib ang magkasintahan.
—-