INAASAHANG magbabalik sa “ASAP Natin ‘To” ngayong araw na ito ang singer na si Yeng Constantino.
Ito’y gagawin ni Yeng kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-labinlimang taong anibersaryo sa entertainment industry.
Sinasasabing makakasama ni Constantino sa ASAP stage ang mga batang singers na sina Anji Salvacion, Diego Gutierrez, Sam Cruz at Angela Ken.
Magugunitang inilabas ng singer ang kanyang latest single na pinamagatang “Kumapit” noong Hunyo ngayong taon.