Pinuri at ikinalugod ni Senator Richard Gordon ang pagboto ng ‘Yes’ ng ating bansa sa resolusyon ng United Nations General Assembly na nananawagan sa Russia na agarang ihinto ang paggamit nito ng puwersa laban sa Ukraine
Gayundin nananawagan na agaran at ganap na i-atras nang walang anumang kondisyon ang military forces nito sa teritoryo ng Ukraine.
Bilang Chairman of Philippine Red Cross binigyang-diin ni Gordon ang humanitarian aspect sa armadong labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa ngayon aniya ay patuloy ang pagdagsa ng refugees o ng mga umalis ng kanilang bahay sa Ukraine at naghahanap ng bansa na ligtas nilang matutuluyan tulad sa Poland.
Ayon kay Gordon ang Philippine Red Cross ay nakahandang tumulong sa kanilang counterparts sa Poland at iba pang kalapit na bansa ng Ukraine sa pagpasok sa kanila ng mga refugees.
Tugon ito ni Gordon sa panagawang tulong ng Department of Foreign Affairs sa lumalawak na humanitarian crisis.
Muling umapela si Gordon sa lider ng Russia at Ukraine na pakinggan ang malawakang panawagan para sa mapayapang solusyon sa mga isyu na ugat ng kanilang iringan.
Kumpiyansa si Gordon na makakahanap ng katanggap-tanggap na compromise at solusyon para huwag ng kumalat pa ang armadong labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Pinuri ni Lacson ang DFA at OWWA at ang Philippine embassy sa Poland sa mabilis na paglilikas sa nga Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa Ukraine.