Nagbunyi ang malaking porsyento ng mga residente sa tatlong lugar na nais mapasama sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay matapos bumoto ng “yes” ang mayorya ng mga botante mula sa Cotabato City, Lanao del Sur at Maguindanao para mapasama ang mga nasabing lugar sa BARMM.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), sa Cotabato City naitala ang 36, 682 yes votes at 24, 994 no votes, yes votes sa Lanao del Sur – 503, 420 at no votes – 9, 735 at sa Maguindanao, ang yes votes ay nasa 599, 581 at no votes – 9, 096.
Ang mga nasabing resulta ay magiging opisyal kapag na canvass ito ng Comelec dito sa Maynila.