Sa panahong nakararanas ng pandemiya ang buong mundo, hindi naiiwasang makaramdam ng stress, takot at pagkabalisa ang marami.
Bukod kasi sa takot na mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), nagiging balisa rin ang lahat sa mga kaliwa’t kanang ipinatutupad na lockdown at pag-iisip sa hinaharap.
Ang nababanggit na pakiramdam ay maaaring mauwi sa depresyon kapat lumala.
Kaya naman makabubuti ang pagsasagawa ng yoga bilang isa sa mga mabibisang paraan para kahit papaano ay malunasan ang nararanasang depresyon.
Ayon sa pag-aaral, ang pagsali sa yoga at mga deep breathing classes dalawang beses kada linggo ay nakakabawas sa sintomas ng pagkakaroon ng depresyon.
Batay sa mga mananaliksik, eoektibo ring alternatibo o karagdagang sa pharmacologic treatment sa depression ang yoga.