Iminungkahi ni Senador Ralph Recto na magbukas ang gobyerno ng Yolanda Facebook kung saan dito ipo-post ang mga larawan ng mga proyektong pinaglaanan ng naturang pondo.
Iginiit ni Recto na mas mabilis na mauunawaan ng publiko kung may makikitang larawan ng bilang ng mga naipatayong bahay, ni-repair na mga silid-aralan at naipagkaloob na livelihood program, kesa maglabas ng report na puro numero lamang ang makikita.
Lalagyan na lamang aniya ng caption ang mga litrato hinggil sa lokasyon at bilang ng mga naipatayong istraktura.
Binigyang-diin ni Recto na halos lahat ng ating mga kababayan ay mayroong Facebook account at magsisilbing documentary proof kung ipo-post sa Facebook ang mga litrato ng mga proyektong pinaglaanan ng halos P100 bilyong piso para sa mga biktima ng Yolanda.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)