Patuloy ang pagbabayanihan ng mga Yolanda, Pablo at Sendong victims upang matulungan ang mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette.
Bumuhos ang tulong sa mga sinalanta kung saan, namahagi ng mga pagkain, inumin at damit ang ilang mga grupo na dating nasalanta din ng mga nagdaang bagyo.
Ang iba sakanila ay galing pa ng Cagayan de Oro na talagang bumiyahe papuntang visayas at mindanao para mag-abot ng tulong sa mga nasalanta.
Kabilang pa sa kanilang ipinamahagi ang nasa limang truck ng food grocery items, gasolina, solar energy panels, mga led lights, sako-sakong semento, mga tarpaulins at iba pang construction materials.
Ayon sa mga tumulong, ramdam nila ang hirap at gutom ng mga naapektuhan ng bagyo dahil naranasan din nila ang mawalan ng kuryente, tirahan, malinis na inumin at pagkain matapos hagupitin ng nagdaang bagyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero