Halos 29,000 survivor ng super typhoon Yolanda sa Eastern Visayas ang makatatanggap ng kopya ng kanilang birth registration records mula sa Philippine Statistics Authority.
Ang mga benepisyaryo na pawang indigent children at kanilang pamilya ay mula sa Leyte, Samar at Eastern Samar.
Ang pamamahagi ng mga libreng kopya ng birth registration records ay pinondohan ng P4 million pesos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sisimulang ipamahagi ang mga nasabing dokumento sa December 14 at inaasahang matatapos sa unang bahagi ng taong 2016.
By Drew Nacino