Tiniyak ng Malacañang na hindi nila nalilimutan ang kalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa harap ng mga puna na tila nakatutok lamang ang atensyon ng Malacañang sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Lacierda, tuloy-tuloy ang pagtanggap ng Pangulong Noynoy Aquino ng updates hinggil sa ginagawang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Una rito, ilang mga biktima ng bagyong Yolanda ang nagpahayag ng hinaing dahil nananatili pa rin sila sa temporary shelters, halos dalawang taon na makaraang salantain ng bagyo.
By Len Aguirre | Aileen Taliping (Patrol 23)