Nanumpa na bilang bagong Presidente ng South Korea si Yoon Suk Yeol.
Tinalo ni Yoon ang katunggali nito sa pwesto na si Democratic Party Lee Jae Myung.
Sa National Assembly Compound na naganap sa Seoul, South Korea, nagpasalamat si Yoon sa lahat ng bumoto at nagtiwala sa kaniya.
Pangunahing plataporma ng ika-11 pangulo ng South Korea ang pagpapanatili ng kalayaan at katahimikan partikular na ang pakikipag-dayalogo sa North Korea.
Sa edad na 61, isang Top Prosecutor si Yoon bago nagbitiw sa pwesto noong 2021.