Nakalabas na ng Sta. Ana Hospital si Manila Mayor Isko Moreno matapos na mag-negatibo sa COVID-19.
Sa post online ng Manila Public Information Office, ipinakita nito ang pag-alis ng alkalde sa naturang pagamutan matapos ang ilang araw na pananatili para tuluyang magpagaling sa virus.
Bagama’t nakarekober na sa COVID-19 ang opisyal, sasailalim pa rin ito sa ilang araw na isolation. Magugunitang noong Agosto 16 nang mag-psositibo sa COVID-19 ang alkalde na ilang araw ding nakaranas ng sintomas ng COVID-19 gaya ng pag-ubo, sipon at pananakit ng katawan.