Nanganganib sa wildfire ang ma-alamat na Yosemite national park sa Northern California kung saan matatagpuan ang mga makasaysayan at ga-higanteng Sequoia trees.
Ang tinatawag na ferguson fire na nagsimula pa noong Biyernes ng gabi ay kumitil na ng isang bumbero at tumupok na ng 49 square kilometers na kagubatan.
Nangangamba ang California Firefighting Agency na lalong lumaki ang apoy dahil napakaraming patay na puno at tuyong mga dahon sa dinaraanan ng apoy.
Hirap ang mga bumbero na patayin ang sunog dahil sa mahirap na terrain sa lugar.
Umabot na sa 1.3 million hectares ang naperwisyo ng wildfire ngayong taon lamang at sampung bumbero na rin ang nasawi.
—-