Sa kabila kasikatan, inamin ng young actor na si Awra Briguela na nakaranas siya ng pambu-bully noon sa kaniyang pinapasukang school.
Kwento ng aktor, kinukutya at hinuhusgahan siya noon ng ilang estudyante sa kaniyang paaralan dahil sa kaniyang gender identity na pagiging bakla o gay.
Pero hindi raw niya hinayaang siya ay ma-bully dahil agad siyang tumindig para sa kaniyang sarili.
Paliwanag nito, wala raw sinuman ang may karapatan na siya’y maliitin o tapakan dahil lamang sa kaniyang pgkakakilanlan.
Payo pa nito, mahalagang mahal mo at totoo ka sa sarili moa at hindi mahalaga ang importante. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles