Tahasang itinanggi ng ilang miyembro ng Young Guns Bloc ng Kamara na may kinalaman sila sa sinasabing ika-apat na impeachment complaint laban kay vice President Sara Duterte.
Ayon kay Zambales Rep. Jay Khonghun walang pagkilos sa panig ng young guns para sa panibagong impeachment complaint.
Para naman kay Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, wala siyang ideya kaugnay sa nasabing isyu dahil abala rin siya matapos namayapa ang kaniyang ina.
Sabi naman ni Tingog Party-List Rep. Jude Acidre, kararating lang niya ng pilipinas at wala siyang nakuhang anumang balita tungkol sa paghahain ng reklamo.
Maging si 1-rider Party-List Rep. Rodge Gutierrez na miyembro ng young guns at bahagi ng minorya ay wala rin nalalaman tungkol sa sinasabing ika-apat na impeachment complaint.
Giit pa Cong. Gutierres na hindi niya pa nakikita ang naunang tatlong reklamo na inihain laban kay VP Sara.
Una ng inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco na may maghahain ng impeachment complaint kung saan pangungunahan ito ng nasa 10 hanggang 12 mambababatas mula sa majority at minority na kinumpirma naman ni House Minority Leader France Castro. – Sa panulat ni Jeraline Doinog