Nilinaw ng young guns ng Kamara na hindi lang ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte ang kanilang tinututukan.
Ito ayon kina House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernix Dionisio Jr., kasunod ng kumpirmasyon na nagkaroon sila ng pagpupulong upang talakayin ang impeachment process na dinaluhan ng house secretariat; house prosecutors; mga miyembro ng young guns at mga volunteer lawyers na nais maging bahagi ng paglilitis kay VP Sara.
Ayon sa mambabatas, hindi lang nakapokus sa isyu ni VP Sara ang naging pagtitipon dahil malawak ang kanilang naging talakayan hinggil sa national issue’s sa bansa.
Iginiit ni Cong. Dionisio, bilang isang mambabatas, mahalagang alam nila ang bawat impormasyon sa mga napapanahong isyu na nangyayari sa Pilipinas upang agarang makagawa ng solusyon at matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Binigyang-diin ng kongresista na malaking tulong ang bawat meeting ng kamara dahil mas naa-aral nila ang proseso ng bawat isyu sa bansa. – Sa panulat ni John Riz Calata