Kasalukuyang nasa ilalim ng pagsasanay ang 22- anyos na Pilipinang si Aira Jean Lamparas sa 11-month internship program sa rice production sa Taiwan.
Si Aira ay kabilang sa Batch 2 ng programang Filipino Young Farmers Internship Program sa Taiwan (FYFIPT) 2022 ng Taiwan Government at ng Department of Agriculture (DA) ng Pilipinas
Bumiyahe si Aira pa-Taiwan noong Agosto 14, 2022 para sa kanyang internship sa Qing He Organic Farm sa Zhuwei Village, Beizhen Village, Dapi Township, Yunlin County.
Naging susi ang karanasan sa pagsasaka ng dalagita upang makapasa sa internship program.
Ayon kay Aira, sa loob ng dalawang buwan na pagsasanay, marami siyang natutunan.
Aniya dapat maging masigasig ang mga kabataang farmer, at pag-aralang mabuti ang kanilang mga produktong sinasaka. - sa panunulat ni Maze Aliño- Dayundayon