Tuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga.
Gaya sa kanyang naunang dalawang State of the Nation Address, ang “war on drugs” ang isa sa pinakaunang tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa datos ng gobyerno, nasa 4, 354 na mga sangkot umano sa illegal na droga ang nasawi mula Hulyo ng 2016 hanggang Hunyo 30 ng 2018.
Dahil sa madugong kampanya laban sa droga, binatikos ito ng iba’t ibang grupo maging ng International Criminal Court dahil sa mga umano’y paglabag nito sa karapatang pantao ng mga biktima.
Pero sa harap ng mga kritisismo, iginiit ni Pangulong Duterte na nais lang niyang pahalagahan ang buhay.
“That is why illegal drugs war will not be sidelined. Instead, it will be as relentless and chilling if you will. As the day began, these drug dealers know very well that their business is against the law. They know the consequences of a criminal act especially when caught and they violently resist arrest. If you think that I can be dissuaded from continuing despite of our demonstrations, your protest which I find the way misdirected, then you got it all wrong. Your concern is human rights, mine is human lives.”