Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang Youth Economic Empowerment ng plan international.
Ayon sa DOLE, layon ng programa na matulungan ang mga out-of-school youth na magkaroon ng sapat na kakayahan at mabigyan ng trabaho sa mga katuwang na kumpanya ng organisasyon.
Pasok dito ang mga kabataang may edad 18 hanggang 29 anyos at high school graduate.
Sa ilalim ng programa ay mabibigyan din ang mga kabataang kwalipikado ng daily allowance habang sumasailalim sa training.
Inaasahan ng ahensya na matutulungan ng programa ang nasa 30,000 out of school youth hanggang 2022.