Nanawagan sa media ang isang grupo ng mga kabataan mula Cordillera na bigyang pansin rin ang sitwasyon ng mga komundidad sa kanilang rehiyon.
Ito’y makaraang pumukaw ng atensyon ng mga netizen ang nag-viral na litrato ng taga-Mountain Province na tinaguriang Carrot Man dahil sa pisikal na katangian nito.
Ayon sa kay Ap-ayan ti Kultura iti Kordilyera o Center of Culture in the cordillera Region Chair Julius daguitan, habang ipinagmamalaki nila ang Carrot Man na nakilalang si Sigmaton, dapat ay inuusisa rin ng media kung bakit ang mga kabataang gaya ni sigmaton ay nagbubuhat na lamang ng mga gulay sa halip na mag-aral.
Aniya, marami sa mga kabataan sa Cordillera ang napipilitang tanggapin ang mga mabibigat na trabaho dahil sa kahirapan.
By: Avee Devierte