Pinagbabayad ng $170-M na multa ang Google dahil sa iligal na pagkolekta at pagbahagi ng information data ng mga batang naka-subscribe sa kanilang Youtube video service.
Kasunod na rin ito ng kasunduan ng halaga ng settlement ng Google sa Federal Trade Commission at New York State Attorney General na maituturing na pinakamalaking halaga sa kasong may kaugnayan sa Children’s Online Privacy Protection act.
Nilabag umano ng Youtube ang nasabing batas na nagrerequire sa mga child directed websites at online service na magkaroon muna ng parental consent bago kolektahin ang personal information ng mga batang edad 13 years old pababa.
Kasabay nito, tiniyak ng Youtube na babaguhin ang kanilang alintuntunin para sa mga content nilang ang target audience ay mga bata.
Ayon sa pamunuan ng Youtube, ang Google ay maglalaan ng $1,090-M na pondo para makalikha ng orihinal na children’s content sa Youtube para sa mga bata nilang manunuod.