Bibida si Filipina-Japanese golfer Yuka Saso sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards ngayong taon.
Ito’y makaraang i-anunsiyo ng media organization na itinanghal nila si Saso bilang Athlete of the Year.
Magugunitang nakasungkit ng dalawang Ladies Professional Golf Association titles sa Japan ang 19-anyos na si Saso habang nagpakitang-gilas din ito sa US Open makaraang makatapos ng 13th overall.
Sa kabila ng pandemya, natapos din ni Saso ang 2020 na taglay ang No. 45 spot sa world rankings habang kumita rin umano ito ng tinatayang P50 milyon.