Itinanghal na kampeon si Filipina-Japanese Golfer Yuka Saso sa katatapos lang na 2021 US Women’s Open Championship na ginanap sa San Francisco, California.
Nanalo ang 19 anyos na si Saso matapos ang three-hole playoff laban kay nasa HATAOKA ng Japan.
Nanguna rin si Saso sa pagtatapos ng second round noong Sabado kaya nakapaglaro ito sa finals.
Si Saso ang kauna-unahang manlalarong Pinoy na nagwagi sa naturang paligsahan.
Kaugnay nito, taos pusong nagpapasalamat si Saso sa kaniyang pamilya , mga kaibigan at lahat ng sumuporta sa kaniya mula sa Pilipinas maging sa Japan.