Binigyang parangal ng mga opisyal at kawani ng Korte Suprema ang yumaong dating Chief Justice na si Renato Corona.
Alas-11:00 ng umaga nang dumating ang labi ni Corona sa gusali ng Supreme Court kung saan, may inihandang necrological services para sa kanya.
Kinilala ng mga mahistrado at kawani ng Korte Suprema si Corona bilang mapagmalasakit, may paninindigan at tapat na mahistrado ng High Tribunal.
Tumatak sa publiko si Corona bilang midnight appointee ni dating Pangulong Gloria Arroyo at siyang nagbaba ng desisyon hinggil sa pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita.
Sumakabilang buhay si Corona noong Abril 29 sanhi ng atake sa puso sa edad na 67.
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)
Photo Credit: SC PIO