Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang yumaong dating Supreme Court Chief Justice na si Renato Corona.
Ala-7:00 ng umaga nang ilabas ang labi ni Corona sa Korte Suprema kung saan ito nagpalipas ng magdamag.
Muling dinala ang labi ng yumaong dating punong mahistrado sa Heritage Park sa Taguig City.
Isang misa muna ang isinagawa dakong alas-9:00 kaninang umaga bago tuluyang inilibing ganap na alas-10:00 ng umaga.
Farewell CJ Corona
Emosyunal na nagpaalam ang mga opisyal at kawani ng Korte Suprema sa yumaong dating Chief Justice na si Renato Corona.
Maliban sa naulilang pamilya ni Corona, nakipaglibing din ay sina Associate Justice Mariano del Castillo at dating Justice Minida Chico Nazario.
Nagtungo rin sa Heritage Memorial Park sa Taguig si dating PCSO Chair Manoling Morato, dating abogado ni Corona na si Atty. Dennis Manalo, dating DOJ Usec. Ricardo Blancaflor at Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes.
Kasunod nito, sinabi ni Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez na hindi nila kailanman malilimutan si Corona bilang dati nilang boss.
Bahagi ng pahayag ni SC Administrator Jose Midas Marquez
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)
Photo Credit: SC PIO