Binigyang pugay sa huling pagkakataon sa Senado ang yumaong dating Senate President Jovito Salonga.
Isa-isang inilahad ng mga dati at kasalukuyang senador kung paano nila nakilala si Salonga.
Si dating Senador Rene Saguisag na naka-wheelchair ang unang nagbigay ng kanyang eulogy para sa yumaong dating Senate President.
Kabilang rin sa mga nagbigay ng eulogy sina dating Senador Leticia Ramos Shahani, Edgardo Angara, Heherson Alvarez at Wigberto Tañada.
Ayon kay Tañada, lagi nyang maaalala si Salonga dahil siya ang nagsilbing Senate President sa itinuturing na finest hour ng senado nang ibasura nila ang RP-US Bases Treaty noong September 16, 1991.
By Len Aguirre