Muling binalaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang anya’y walang habas na pag i-isyu ng TRO o Temporary Restraining Order sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, hindi sya mangingiming banggain ang Korte sakaling magpatuloy ang pagkabinbin ng mga proyekto ng pamahalaan dahil sa pinigil ito ng Korte.
Umapela ang Pangulo sa Korte Suprema na kumilos kung paano malillinis sa katiwalian ang mga Korte.
Binigyang diin ng Pangulo na alam nyang pera-pera lamang naman ang pagkuha ng TRO ng mga natatalo sa bidding ng mga proyekto.
Galit na sinabi ng Pangulo na walang karapatan ang Korte na desisyonan kung anong proyekto ang makakaganda sa bansa.
“At yung ibang judges sa Court of Appeals, alam ko na ‘pera-pera’ lang yan kaya wag nyong gaw’in yan sa akin mapipilitan akong sasalubungin kayo, legally. I hope it would not go beyond the legal boundary. Minsan umaabot ng anim (6) na buwan, anak ng…decide immediately because the project has to get started. But do not delay projects because you’re issuing TRO – left and right. You will paralyze government, magmukha akong tanga sa tao, matatapos na lang ako, na-TRO pa”, bahagi ng naging pahayag ni Pangulong Duterte.
By Len Aguirre